May Gusto Akong Isulat
by Julio Czar Monteron
May gusto akong isulat
isang kwentong hindi klaro
yung tipong pag buklat mo ng libro
nakaguhit na sa mga letra ang nakikita ko sayo
May gusto akong isulat
isang kantang wala sa tiyempo
yung tipong pag play sa radyo
siguradong makukuha ko ang atensyon mo
May gusto akong isulat
isang pelikulang walang pondo
yung tipong pag napanuod mo
matatawa ka na lang sa mga cheesy lines ko
May gusto akong isulat
isang tulang walang tugma at liriko
yung tipong pag basa mo ng school paper niyo
nakalantad na ang damdamin ko sa buong mundo
May gusto akong isulat
isang liham na maglalaman ng puso ko
yung tipong pag tanggap mo
maririnig mo na agad ang pagtibok nito
ps. hindi ako nang-ju-juma sa tula na to. ahaha. wala lang talaga magawa. ^_^
